Himno ng FAST

Music Adapted by: Mr. Robert Joseph A. Almanzor

Lantay na diamante sa agham at asal
Ang FAST ay natampok sa Batangan;
Wagas na pag-ibig sa Diyos at bayan
Pag-irog sa kapwa at sa kalikasan

Ang FAST ay kadluan ng mga pangarap
Matibay na bigkis ng ngayon sa bukas;
Puhuna’y talino tungo sa pag-unlad
Ugat ng tagumpay ay sipag at sikap

Sa FAST ang pangarap ay may katuparan
Laging pangarap ang katotohanan
May hulab ng bulkan ang paninindigan
Na pagyayamanin hanggang kamatayan

Ang FAST ay kadluan ng mga pangarap
Matibay na bigkis ng ngayon sa bukas;
Puhuna’y talino tungo sa pag-unlad
Ugat ng tagumpay ay sipag at sikap

Sa FAST matutupad ang mga pangarap
Matibay na bigkis ng ngayon sa bukas